chatadikz-friendzpasaway
Mag Register & Log in po mona tayo para ma explore po natin ang site..............Thanks....


Chat Adikz Friendz Pasaway
 
HomeHome  PortalPortal  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Joke.. Joke.. Joke..

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
monchy®
Admin
Admin


Posts : 72
Join date : 2009-06-29
Age : 40

PostSubject: Joke.. Joke.. Joke..   Thu Aug 20, 2009 8:12 am

Isang eksena sa korte:
ATTY: Miss, pwede mo bang ilarawan dito sa korte yung nang reyp sa ‘yo?
MISS: (umiiyak) Maitim po siya, kalbo, bungi, pango at mabaho po ang hininga.
SUSPEK: Sige!!! Mamintas ka pa!!!

PARI AT DEMONYO
Demonyo, dumating sa park…
PARI: Sa kapangyarihan ko at paniniwala, lumayas ka rito! Demonyo…LAYAS! LUMAYAS KA!!!
DEMONYO: Wow hah! Ang galing! Bakit sa iyo ‘to? Ha? Sa yo ‘to? ANG KAPAL!

Dalawang mag-barkada nag uusap:
Pare1: Bakit lumaki yung paa ni Mare?
Pare2: Sinipa yung punso.
Pare1: Bakit lumaki yung nguso ni Mare?
Pare2: Dinuraan yung punso. O pare, saan ka pupunta?
Pare: Iihi sa punso!

Bagong kasal si Mariel at kinakausap ng Papa niya ang napangasawang si Tonyo.
PAPA: Bilang manugang ko, bibigyan ko kayo ng malaking halaga upang magamit ninyong puhunan subalit ano naman ang ipapalit ninyo?
TONYO: Bibigyan ho namin agad kayo ng resibo.

TITSER: Dahil sa Fire Prevention Month ngayon, tatanungin ko kayo tungkol dito…Saan nagsisimula ang apoy? Ikaw, Janina!
ESTUDYANTE: Kuwan, ma’am…sa letter A po!

ANAK: Itay, masama ang pakiramdam ko.
ITAY: Aba, mataas ang lagnat mo! Patitingnan kita sa doktor.
ANAK: Itay, nakakatamad. Kung titingnan lang niya ako…ipadala nyo na lang ang litrato ko.

APO: Lolo kumain ho kayo kahit dalawang kutsara lang.
LOLO: Sira ulo ka pala eh, lugaw nga di ko malunok, kutsara pa kaya!

GENIE: I’ll grant you a wish…
BADING: Talaga? Gusto kong gumanda!
GENIE: Buksan mo ang bote!
BADING: At gaganda na ‘ko?
GENIE: Hindi! Babalik na lang ako sa loob!

DONYA: Bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay alas sais empunto!
KATULONG: Walang problema, Donya. Kapag tulog pa ako ng ganung oras, mauna na kayong mag-almusal.

PULIS: LOla, ba’t nyo pinagsasaksak ‘yung rapist?
LOLA: Aba! Pagkatapos nya akong hubaran, bigla syang tumayo at nagsabi na “joke-joke lang, lola! Eh, hindi naman ako nakikipagbiruan sa kanya!

sang gabi, hinatak ng isang lolo ang isang babae sa talahiban…
BABAE: Lolo, kahit mahubaran nyo ko, hindi nyo po akong kayang gahasain dahil alam kong susumpong lang ang rayuma nyo!
LOLO: Watch me! Nag-Flanax yata ako!

ARMY: Manong, saan ba rito nagpupugad ang mga NPA?
AETA: Sir, matagal na ako rito sa bundok pero wala pa akong nakikitang pugad ng NPA…teka ano bang kulay ng itlog nila, sir?

Sa isang madilim na iskinita, may babaeng nire-rape…
BABAE: Tulong! Tulong!
RAPIST: Huwag ka ng humingi ng tulong kaya ko itong mag isa! Malandi ka ha! Gusto mo marami pa!

Sa isang bilangguan…
WARDEN: Sa araw na to, lahat kayo ay magkakaroon ng bagong brief!
MGA PRESO: Yehey! Ambait nyo, Warden!
WARDEN: Okey…sa mga taga Selda Uno at Selda Dos, magpalitan na kayo ng brief!

SA MATH CLASS:
TITSER: Juan, stand up, kung ako ay may dalawang anak sa unang asawa, isa sa pangalawa at apat naman sa pangatlo, ako ay may?
JUAN: Taglay na kalandian Ma’am!

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top Go down
http://tropang-pasaway.forumotion.com
Guest
Guest



PostSubject: Re: Joke.. Joke.. Joke..   Fri Aug 21, 2009 5:00 am

Back to top Go down
 
Joke.. Joke.. Joke..
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Golf joke
» Post your Joke!
» Wicked Eraser Joke Deck.
» Watta Joke's Test Results
» Fokker / Messerschmitt Joke

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
chatadikz-friendzpasaway :: Jokes-
Jump to: