chatadikz-friendzpasaway
Mag Register & Log in po mona tayo para ma explore po natin ang site..............Thanks....


Chat Adikz Friendz Pasaway
 
HomeHome  PortalPortal  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 huwag po itay

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Guest
Guest



PostSubject: huwag po itay   Fri Sep 04, 2009 7:59 am

Sometimes you think you know the people that are close to you.. but beware. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I believe it is necessary to highlight the important lesson within.


Huwag Po Itay....

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan

noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon . Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG



Very Happy Mad Very Happy
Back to top Go down
 
huwag po itay
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
chatadikz-friendzpasaway :: Jokes-
Jump to: